Sa isang preskon kahapon ng kasalukuyang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ipinahayag ni Wu Xiaoqing, Pangalawang Ministro ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng bansa, na sa taong ito, magsasagawa ang kanyang ministri ng mga mahigpit na hakbangin sa mga lugar kung saan grabe ang polusyon sa hangin, para mapabuti ang kalidad ng hangin ng mga lugar na ito.
Ayon kay Wu, ang naturang mga lugar ay kinabibilangan ng Beijing, Tianjin, Lalawigang Hebei, Zhujiang River Delta sa katimugan ng bansa, at Yangtze River Delta sa kasilanganan ng bansa.