Pagkaraang magkahiwalay na manungkulan sina Xi Jinping at Li Keqiang bilang Pangulo at Premyer ng Tsina, nagbigay-pansin sa kanila ang mga pandaigdig na media na gaya ng New York Times, Wall Street Journal, British Broadcasting Company, Reuters, at iba pa.
Maganda anila ang imaheng publiko at educational background ng naturang mga bagong lider na Tsino. Ipinalalagay din ng mga itong kahaharapin nila ang maraming hamon na kinabibilangan ng pagpapanatili ng may-kabilisang paglaki ng kabuhayan, at pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng lunsod at kanayunan.