Batay sa nominasyon ni Premyer Li Keqiang, idinaos kaninang hapon sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ang botohan at napagtibay ang listahan ng mga miyembro ng bagong Konseho ng Estado.
Ang listahang ito ay kinabibilangan ng mga pangalawang premyer, kasangguni ng estado, at ministro ng iba't ibang departamento ng pamahalaan. Kabilang dito, sina Zhang Gaoli, Liu Yandong, Wang Yang at Ma Kai ay naging Pangalawang Premyer, si Wang Yi ay naging Ministrong Panlabas, at si Chang Wanquan ay Ministro ng Tanggulang Bansa.