Isinalaysay kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pag-uusap sa telepono nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Barack Obama ng E.U., nagpalitan sila ng palagay hinggil sa cyber security.
Ayon kay Hua, ipinahayag ng Pangulong Tsino na ang pangangalaga sa kapayapaan, katiwasayan, pagbubukas, at pagtutulungan sa cyber space ay angkop sa komong interes ng komunidad ng daigdig. Aniya pa, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang anumang porma ng hacking activity, at nakahanda itong panatilihin ang konstruktibong pakikipag-ugnayan sa E.U. hinggil sa cyber security.