|
||||||||
|
||
Sinabi ni Li na ang paunang kondisyon ng naturang mga gawain ay pagtatatag ng bansang mapanlikha, malinis na administrasyon na gumagalaw alinsunod sa batas.
Sinagot din ni Li ang mga tanong hinggil sa pagbabago ng tungkulin ng pamahalaan, pagpapalalim ng reporma sa kabuhayan, paglaban sa korupsyon, kaligtasan ng mga pagkain, at pangangalaga sa kapaligiran.
Kaugnay ng relasyong Sino-Amerikano at Sino-Ruso, ipinahayag ni Li na nakahanda ang bagong pamahalaang Tsino na ibayo pang palalimin ang relasyon sa nabanggit na dalawang bansa.
Kaugnay ng patakarang panlabas, binigyang-diin ni Li na patuloy na igigiit ng Tsina ang patakaran ng mapayapang pag-unlad at pangangalaga sa kabuuan ng pambansang teritoryo at soberanya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |