Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid ng Unang Sesyong Plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) kaninang umaga, patuloy na inulit ni Xi na igigiit ng Tsina ang patakaran ng mapayapang pag-unlad.
Sinabi ni Xi na ang pag-unlad ng Tsina sa hinaharap ay naka-angkla sa prinsipyong mapayapa, umuunlad, kooperatibo at mutuwal na kapakinabangan.
Inulit ni Xi na isasakatuparan ng Tsina ang angkop na pandaigdigang tungkulin at responsibildad para patuloy na pasulungin, kasama ng komunidad ng daigdig, ang kapayapaan at kaunlaran ng buong sangkatauhan.