|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan sa Jakarta ang Ika-14 pulong ng China-ASEAN Joint Cooperation Committee. Narating ng dalawang panig ang komong palagay hinggil sa ibayo pang pagpapasulong sa kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Ipinahayag ni Yang Xiuping, Embahador na Tsino sa ASEAN, na palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong pangdiyalogo sa ASEAN, at nagsisikap ito para rito. Aniya, sa kasalukuyan, nasa panahon ng komprehensibong pag-unlad ang relasyon ng Tsina at ASEAN, ngunit, kinakaharap din nito ang mahalagang tungkulin na gaya na ibayo pang pagpapalalim, pagpapalawak at pagpapataas ng antas ng naturang relasyon.
Ani Yang, dapat samantalahin ng Tsina at ASEAN ang pagkakataon ng ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng dalawang panig para magkasamang maharap ang mga hamon, mapasulong ang pag-unlad, at mapataas ang lebel ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |