|
||||||||
|
||
Nangulo kahapon ng umaga si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa unang pirmihang pulong ng bagong Konseho ng Estado o Gabinete ng bansa. Tinalakay sa pulong ang mga konkretong hakbangin ng pagpapasulong ng reporma ng mga organo ng pamahalaan at pagbabago sa kanilang tungkulin. Ito ay nangangahulugang nagsisilbing unang priyoridad ng bagong pamahalaan ang pagbabago sa tungkulin nito. Nagpapakita rin ito ng matibay na determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagpapalalim ng reporma at pagpapabuti ng mekanismo ng market economy.
Nilinaw sa pulong na gawing breakthrough point ng pagbabago sa tungkulin ng pamahalaan ang pagpapadali ng proseso ng administratibong pagsusuri at pag-aaproba, bawasan nang malaki ang mga suliraning nangangailangan ng administratibong pagsusuri at pag-aaproba, bigyan ng tunay na kapangyarihan ang pamilihan, patingkarin ang papel ng puwersang panlipunan, paliitin ang pakikialam sa mga micro-affairs, at pasiglahin ang pag-unlad ng kabuhaya't lipunan at iba pa.
Tinukoy sa pulong na kung nais mapabuti at mapalakas ng pamahalaan ang mas malawak na pangangasiwa, dapat pagtuunan ng mas malaking pansin ang mahahalagang suliranin na may kinalaman sa pangmatagalan at pangkalahatang kalagayan, at pataasin ang lebel ng siyentipikong pangangasiwa ng pamahalaan. Ito ay nagpapakita ng masidhing kagustuhan ng bagong Konseho ng Estado sa pagbabago ng tungkulin at sariling konstruksyon.
Binigyang-diin din ng pulong na ang pagbabago sa tungkulin ng pamahalaan ay nukleo ng pagpapalalim ng reporma sa sistemang administratibo. Ito rin ang garantiya sa pagpapaunlad ng market economy at ekonomiya batay sa batas o "rule of law economy". Dapat gawing susi ng mga gawain ng bagong Konseho ng Estado ang pagbabago sa tungkulin.
Tulad ng sabi ni Premyer Li Keqiang, ang reporma ay pinakamalaking benebisyo, dahil nasa proseso ng kumplesyon ang socialist market economy ng Tsina, napakalaki ng nakatagong lakas ng ibayo pang pagpapalaya ng produksyon sa pamamagitan ng reporma, at napakalaki rin ng espasyo ng pakikinabang ng lahat ng mga mamamayan sa bunga ng reporma.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |