Ayon sa ulat ngayong araw ng CNCERT/CC-National Computer network Emergency Response technical Team/Coordination Center of China, noong isang taon, halos 73 libong Trojan o BotNet na mula sa labas ng bansa na ang sangkot sa pagkontrol sa mga mainframes sa Tsina. Ito ay lumaki ng isang kalahati pataas kumpara noong 2011. 1802 pampamahalaang wedsite ang nasusog at lumaki ito nang mahigit 20%. Sa totoo, nahaharap ang Tsina sa malubhang cyber attack mula sa ibang bansa.
Ayon pa rin sa nasabing ulat, noong 2012, may tunguhin na ginamit ng mga hacker ang backdoor para makakuha ng pangkabuhayang interes.
Iminungkahi ng mga dalubhasa na agarang isasapubliko ang pambansang estratehiya ng seguridad ng inpormasyon, palalakasin ang pagbibigay-dagok sa network crime, at bubuuin ang sistemang panseguridad para aktuwal na mapangalagaan ang cyber security.
salin:wle