Lumisan kahapon ng hapon ang isang komboy ng hukbong pandagat ng Tsina na binubuo ng 4 na bapor mula sa South China Sea Fleet, para maglayag sa South China Sea at West Pacific Ocean upang gumawa ng pagsasanay doon. Ito ay isang regular na pagsasanay taun-taon ng hukbong pandagat ng Tsina.
Sinabi ni Jiang Weilie, Komander ng komboy na ito, na ang pagsasanay ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng hukbong pandagat ng Tsina sa pagsasagawa ng misyon sa malayong dagat. Ito aniya ay para mas mabisang mapangalagaan ang soberanya ng Tsina sa dagat.
Salin: Liu Kai