Nakipag-usap kahapon si Zhao Hongzhu, Pangalawang Kalihim ng Central Commission for Discipline Inspection ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) sa kanyang counterpart na Vietnames na si Huynh Phong Tranh.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Zhao na ang pakikibaka sa korupsyon at pagkakaroon ng malinis na pulitika ay hindi nagbabagong paninindigan ng CPC. Nakahanda aniya ang CPC na magsikap, kasama ng Partido Komunista ng Vietnam, para ibayo pang mapalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang panig, at mapalalim ang kanilang pagtutulungan sa larangan ng pakikibaka laban sa korupsyon.
Sinabi naman ni Huynh Phong Tranh na positibo ang Vietnam sa tagumpay na natamo ng Tsina sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan, at pakikibaka sa korupsyon. Nakahanda aniya itong pahigpitin pa ang pakikipagtulungan nito sa Tsina sa pagbibigay-dagok sa korupsyon, at pasulungin ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang panig.