Ayon sa ulat ng pahayagang Pasaxon ng Laos kahapon, upang ipatupad ang kasunduang nilagdaan ng mga Punong Ministro ng Laos at Kambodya, magkasamang nagsadya kamakailan ang mga delegasyon ng dalawang bansa sa purok-hanggahan sa pagitan ng Sanamxay County ng Attapeu Province ng Laos at Siengpang County ng Siengteng Province ng Kambodya para sa pagsasarbey. Sa kasalukuyan, di pa tiyak ang hanggahan sa naturang rehiyon.
Ipinahayag ni Ginang Vatsadi khotyortha, Pangalawang Gobyernador ng Attapeu Province, na ayon sa resulta ng pagsasanggunian ng dalawang bansa, magkasamang magpatrolya ang mga tropa ng kapuwa panig sa rehiyong di pa tiyak ang hanggahan, at magkasamang itatakda ng Komisyon ng Pagsusuri sa Hanggahan ang hanggahan ng dalawang bansa batay sa umiiral na 4 na simulain.
Salin: Vera