Kinumpirma dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na nagkaisa ng palagay ang People's Bank of China at Bangko Sentral ng Brazil hinggil sa kasunduan ng pagtatatag ng bilateral currency swap mechanism na nagkakahalaga ng 190 bilyong yuan RMB (o 60 bilyong Brazil Real). Lalagdaan ang kasunduang ito sa malapit na hinaharap. Aniya, ang pagtatatag ng currency swap mechanism ng Tsina at Brazil ay makakatulong sa pagpapalakas ng bilateral na kooperasyong pinansiyal. Makakabuti rin ito sa pagpapalagayang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa, at magkasamang pangangalaga sa katatagang pinansiyal.
Salin: Vera