Dumalo kagabi sa Moscow sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa seremonya ng pagbubukas ng "taon ng turismo ng Tsina sa Rusya."
Ipinahayag ni Putin na may mahalagang posisyon ang kooperasyong pangkultura, na gaya ng aktibidad na ito, sa komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Rusya at Tsina. Magpapalalim aniya ang ganitong mga aktibidad sa pagkakaunawaan at pagtitiwalaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Nagpahayag naman si Xi ng pag-asang masasamantala ng dalawang bansa ang pagdaraos ng taon ng turismo, para mapasulong ang kooperasyong panturismo bilang bagong tampok sa kooperasyon ng Tsina at Rusya.