Nagtalumpati ngayong araw si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Moscow State Institute of International Relations ng Rusya.
Binigyang-diin ni Xi na sa harap ng malalimang pagbabago ng kalagayang pandaigdig at totohanang kahilingan para sa pagtutulungan ng iba't ibang bansa ng daigdig, dapat magkakasamang buuin ng iba't ibang bansa ang bagong relasyong pandaigdig na ang nukleo ay kooperasyon at win-win situation. Iniharap niyang dapat magkakasamang magtamasa ang iba't ibang bansa at kani-kanilang mga mamamayan ng dignidad, bunga ng pag-unlad, at garantiya sa kaligtasan.
Dagdag pa ni Xi, buong tatag at di-magbabagong tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, para maisakatuparan ang isang bukas, kooperatibo, at inklusibong pag-unlad.
Pagdating naman sa relasyong Sino-Ruso, sinabi ni Xi na ang maganda at malakas na relasyong ito ay hindi lamang angkop sa interes ng dalawang bansa, kundi mahalagang garantiya rin sa estratehikong balanse, kapayapaan, at katatagan ng daigdig.