Sa pag-uusap kahapon sa Moscow nina Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina at kanyang counterpart na Ruso na si Sergei Shoigu, ipinahayag ni Chang, na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling malusog ang estratehikong partnership ng Tsina at Rusya, at ibayo pang pinapahigpit ang relasyong ito ng katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sinabi ni Chang, na ang pagtutulungang militar ng Tsina at Rusya ang pinakamahalagang bahagi sa relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya, para ibayo pang palakasin ang relasyong militar ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Sinabi naman ni Shoigu, na tiniyak na ng pagkakasundo ng mga lider ng Tsina at Rusya ang direksyon ng bilateral na relasyon sa hinaharap. Positibo aniya ang Rusya sa pakikipagkooperasyong militar nito sa Tsina, na may mutuwal na kapakinabangan. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina, para ibayo pang pasulungin ang pragmatikong kooperasyong militar ng dalawang bansa.