Kaugnay ng pamamaril ng mga bapor ng Tsina sa mga bapor ng Biyetnam, sinabi kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang mga bapor ng Biyetnam ay iligal na pumasok sa rehiyong pandagat ng Xisha Island. Kaya, aniya kinakailangan at tumpak ang mga aksyon ng panig Tsino. Ayon pa sa isang may kinalamang tauhan ng hukbong pandagat ng Tsina, ang umano'y sunog na dulot ng pamamaril ng mga bapor na pandigma ng Tsina sa bapor ng Biyetnam ay hindi totoo. Aniya, pinaalis nila ang naturang mga iligal na bapor, at ang aksyong ginawa ng mga bapor Tsino sa pangangalaga ng kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa at karapatan, at kapakanang pandagat ay tumpak at ligal.
Ani Hong, nananawagan ang Tsina sa Biyetnam na isagawa ang mabisang hakbangin para mapalakas ang pag-eeduka at pamamahala sa mga mangingisda ng bansa para maitigil ang mga iligal na aksyon.
Salin: Andrea