Mula ika-6 hanggang ika-8 ng Abril, idaraos ang 2013 taunang pulong ng Boao Forum for Asia(BFA) sa Hainan, Tsina. Ang tema nito ay: Reporma, Responsibilidad, at Kooperasyon para sa magkasamang pag-unlad ng Asya.
Ipinahayag kahapon ni Zhou Wenzhong, Kalihim ng BFA na tatalakayin sa pulong ang mga isyung kinakaharap ng mga bansang Asyano at paraan para sa kanilang magkasamang pag-unlad. Sinabi rin ni Zhou na sa kasalukuyang kalagayang pampulitika at pangkabuhayan ng daigdig, kailangang ilagay ang pokus ng mga bansang Asyano sa pagkakaroon ng magkasamang pag-unlad.