Kaugnay ng panunulsol sa mga Tibetano para sa self-immolation o pagsunog sa sarili ng grupo ni Dalai Lama, nagpahayag ng pagkasuklam kamakailan ang mga taga-nayon ng Tongren County ng Huangnan Tibetan Autonomous Prefecture ng Lalawigang Qinghai sa hilagang kanlurang Tsina.
Nitong nakalipas na ilang panahon, dahil sa naturang panunulsol ng grupo ni Dalai Lama at publisidad ng dayuhang media, naganap din sa Tongren County ang ilang kaso ng self-immolation. Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga Tibetano sa naturang county na ang mga taong nagsusunog ng sarili ay hindi umano'y bayani na itinuturing ng grupo ni Dalai Lama, at ginagamit sila ng puwersang naninindigan sa pagsasarili ng Tibet. Sinabi rin nilang sa kasalukuyan, tumataas ang lebel ng pamumuhay ng mga lokal na residente, pero ang kaganapan ng pagsunog sa sarili ay hindi lamang nagdulot ng trahedya sa mga nabiktimang pamilya, kundi nakaapekto rin sa katatagan ng lipunan. Dagdag pa nila, hindi nila nais makitang mamatay ang tao dahil sa apoy, at dapat buong higpit na sawatain ng pamahalaan ang mga manunulsol ng pangyayaring ito.
Salin: Liu Kai