Napag-alamang, sa kauna-unahang pagkakataong aanyayahan ng Ika-10 China-ASEAN Expo o CAExpo ang bansang namumukod sa mga bansa ng naturang rehiyon bilang bansang dignitaryo. At ang napiling kauna-unahang bansang dignitaryo ay Australya.
Ipinahayag ni Zheng Junjian, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAExpo, na sinimulan sa taong ito ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ng ASEAN, Tsina, Hapon, Timog Korea, Australya, New Zealand, at Indya (10+6), kaya magiging mas mahigpit ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN at mga may kinalamang bansa. Sa panahon ng CAExpo, aanyayahan ang delegasyon ng Australya para mapasulong ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan ng Tsina at ASEAN sa ibang bansa upang ibayo pang mapataas ang praktikal na bunga ng naturang ekspo.
Salin: Andrea