Naganap kahapon ng madaling araw sa Maizhokunggar County ng Lhasa, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina, ang malaking landslide, kung saan nalibing ang 83 tao.
Pagkaraang maganap ang kalamidad, agarang sinimulan ng Ministri ng Suliraning Sibil ng Tsina ang emergency response sa ika-3 lebel. Ipinadala nito sa lugar na pinangyarihan ng landslide ang isang working group na binubuo ng ministri mismo, Ministri ng Pinansya, at Ministri ng Yamang-Lupa, para suriin ang kalagayan ng kalamidad, at patnubayan ang rescue work.
Salin: Liu Kai