Idinaos kaninang umaga sa Maizhokunggar County, Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina, ang isang news briefing kung saan isinalaysay ng mga opisyal ng rehiyong awtonomong ito ang hinggil sa rescue work ng naganap na landslide sa lokalidad.
Ayon sa mga lokal na opisyal, sa kasalukuyan, alam na kung sinu-sino ang 83 natabunan ng lupa. Anila, hinahanap ng mahigit 2 libong rescue workers ang naturang mga tao, at ginagamit din ang 224 na malaking makina, at mahigit 20 life detectors. Inamin din nilang dahil marami ang gumuhong lupa, mahirap ang rescue work. Pero anila, magsasagawa sila ng pagliligtas sa pamamagitan ng pinakamalaking pagsisikap.
Salin: Liu Kai