Bago ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina, ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, na nitong halos 10 taong nakalipas, naisakatuparan ang napakalaking pag-unlad ng relasyon ng Kambodya at Tsina. Nananalig aniya siyang sa pagpapasulong ng bagong lideratong Tsino, ibayo pang mapapatatag ang relasyong ito.
Ipinahayag din ni Hun Sen na mabilis na umuunlad ang kooperasyon ng Kambodya at Tsina sa kabuhayan at kalakalan. Aniya, noong taong 2012, 3-taong mas maagang naisakatuparan ng dalawang bansa ang target na 2.5 bilyong Dolyares na bilateral na kalakalan, at mayroon nang bagong target na aabot sa 5 bilyong Dolyares ang halagang ito sa taong 2017.
Dagdag pa niya, ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina ay nagdulot ng benepisyo sa Kambodya sa iba't ibang larangan. Ayon kay Hun Sen, nitong ilang taong nakalipas, tinutulungan ng Tsina ang Kambodya sa 4 na pangunahing larangan, na kinabibilangan ng paggagalugad ng yamang-tubig, paggawa ng lansangan at tulay, pagsusuplay ng koryente, at paghubog ng mga talento. Napasulong din aniya nang malaki ng mga turistang Tsino ang turismo ng Kambodya.
Ipinalalagay ni Hun Sen na ang magandang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nagpasulong sa paglaki ng kabuhayan sa Asya at maging sa daigdig. Hinahangaan din niya aniya ang diplomasya ng bagong pamahalaan ng Tsina na palakasin ang papel at pataasin ang katayuan ng mga umuunlad na bansa.