Sa katatapos na ika-2 round ng diyalogo sa pagitan ng anim na bansa (Amerika, Rusya, Britanya, Pransya, Alemanya, at Tsina) at Iran hinggil sa isyung nuklear, sinabi ni Catherine Margaret Ashton, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo sa mga patakarang panlabas at panseguridad, na nakahanda ang anim na bansa na patuloy na lumahok sa talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Ang nabanggit na diyalogo ay idinaos sa Almaty, Kazakhstan, mula ika-5 hanggang ika-6 ng Abril.
Sinabi pa ni Ashton na dahil nagkakaiba ang posisyon sa pagitan ng 6 na bansa hinggil sa isyung ito, dapat isagawa nila ang kani-kanilang pagtaya sa kasalukuyang kalagayan bago ang bagong round ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Ipinahayag ni Saeed Jalili, punong negosyador ng Iran, na iniharap nito ang isang plano sa katatapos na diyalogo, pero ipinahayag ng naturang 6 na bansa na kailangan nila ang oras para pag-aralan ang planong ito.
Salin: Ernest