|
||||||||
|
||
Sa Bo'ao, lalawigang Hainan sa katimugan ng Tsina — Nakipagtalakay ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa 32 kinatawan ng mga mangangalakal na Tsino at dayuhan na kalahok sa Taunang Pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA) para sa Taong 2013. Binigyang-diin ng pangulong Tsino na igigiit ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, at pabibilisin ang pagbabago ng porma ng pag-unlad.
Sa talakayan, tinukoy ni Xi na, sa loob ng darating na mahabang panahon, nasa panahon ng pag-unlad ang Tsina. Ang pagsasa-industriya, pagsasa-impormasyon, urbanisasyon, at pagsasa-agrikultura, ay nakakapagbigay ng napakalaking espasyo sa pamilihang panloob ng bansa. Bibigyang-pansin ng Tsina ang pagpapataas ng kalidad at episensya, at puspusang pasusulungin ang green and low-carbon development.
Dagdag pa ni Xi, pantay ang kapaligiran ng pamilihang Tsino. Alinsunod sa batas, patuloy na igagarantiya ng Tsina ang lehitimong karapatan at interes ng mga dayuhang mangangalakal sa Tsina.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |