|
||||||||
|
||
Sa Bo'ao, lalawigang Hainan sa katimugan ng Tsina — Ipininid kahapon ng hapon ang Taunang Pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA) para sa Taong 2013. Ang tema ng naturang porum ay "Asya, Paghahanap ng Pangkalahatang Kaunlaran: Pagre-restruktura, Responsibilidad, at Kooperasyon", at sa idinaos na 54 na porum, pangunahing tinalakay ng mga kalahok ang pampublikong diplomasiya, relasyong pandaigdig, estratehiyang pandaigdig, panrehiyong seguridad, at iba pa.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at bumigkas siya ng talumpating pinamagatang "Magkakasamang Paglilikha ng Magandang Kinabukasan ng Asya at Daigdig."
Ayon kay Zhou Wenzhong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA na, sa panahon ng naturang taunang pulong, narating ng mga kalahok ang malawakang komong palagay sa mga maiinit na larangan at isyu, bagay na nakapaglatag ng mainam na pundasyon para sa kooperasyon sa hinaharap.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |