|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakalawa ng Embahadang Amerikano sa Pilipinas na dumating kahapon sa Manila ang unang littoral combat ship ng hukbong pandagat ng Amerika na may codename na USS Freedom (LCS 1). Anang embahada, ito ang kauna-unahang pagdaong ng naturang combat ship sa puwerto ng Timog Silangang Asya, at ipinakikita nito ang matatag na relasyong pangkasaysayan, panlipunan, at militar ng dalawang panig. Pagkatapos ng naturang pagdalaw, nagtungo ito sa Singapore para dumalo sa isang pagsasanay at 8 buwang deployment doon.
Ang littoral combat ship ay isang bapor na pandigma na may kakayahang umiwas sa satellite detection, kaya puwede itong maglayag nang palihim sa coastline ng ibang bansa para magsagawa ng panghihimasok na militar, pakikisangkot na militar, at pagtulong sa pagbaka ng espesyal na tropa.
Nasa masusing posisyon ng Malacca Strait ang Singapore, at mas madali ang pagboblokeyo sa naturang strait, kaya may lubos na bentahe ang littoral combat ship sa Singapore. Nauna rito, sinabi ni Cecil D. Haney, Komander ng United States Pacific Fleet, na ang pagdedeploy sa Singapore ay naglalayong mapalakas ang kakayahan ng pakikibaka para makatigan ang paglilipat ng pokus sa silangan ng tropang Amerikano.
Tungkol dito, ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na hindi ikakasiya ng Amerika ang deployment lamang sa Singapore, at lagi nang naghahanap ito ng iba pang lugar kung saan makakapagdeploy para mapalakas ang presensiya nito sa rehiyon ng Timog Silangang Asya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |