Binuksan kahapon sa Beijing ang ika-6 na Sino-American Internet Forum kung saan nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok na kinatawan hinggil sa pangangalaga sa pribadong impormasyon, pagpapahigpit ng pamamahala sa internet, at pagpapasulong ng internet culture.
Tinukoy ni Qian Xiaoqian, namamahalang tauhan ng Tanggapang Pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin sa Internet, na ang seguridad ng network ay nagsisilbing hamong magkasamang kinakaharap ng buong daigdig. Tinututulan aniya ng Tsina ang anumang aktibidad ng mga hacker. Sinabi niya na dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Amerika, para mabawasan ang iba't ibang negatibong elemento, pahigpitin ang estratehikong kooperasyon, at mapanglagaan ang seguridad ng internet.
Ipinahayag naman ni Robert Hormats, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na may malaking potensyal ang kooperasyon ng Tsina at Amerika sa usaping ito. Umaasa aniya siyang malulutas ang mga isyung kasalukuyang kinakaharap ng dalawang bansa sa internet, batay sa prinsipyong may mutuwal na kapikinabangan.