|
||||||||
|
||
Upang malutas ang isyu ng pagkakabalanse ng kalakalan, nagpahayag kamakailan ang pamahalaan ng Indonesia ng pag-asang mapapag-ibayo ang promosyon ng kalakalan sa ASEAN, at madaragdagan ang pagluluwas ng mga produkto liban sa langis at natural gas sa rehiyong ito.
Tinukoy ni Agus Tjahajana, Opisyal ng Ministri ng Industriya ng Indonesia, na hindi pa ganap na nagagalugad ngayon ang pamilihan ng ASEAN, pero ang pamilihang ito ay katumbas ng 25% ng pagluluwas ng mga produkto liban sa langis at natural gas ng Indonesia, at malaki ang nakatagong lakas nito.
Sa kasalukuyan, liban sa langis at natural gas, 40% ng mga produkto ng Indonesia ay ibinebenta, pangunahing na, sa mga tradisyonal na pamilihang gaya ng Europa, Amerika at Hapon. ipinalalagay ni Agus Tjahajana na kailangang hanapin ng Indonesia ang bagong pamilihan ng pagluluwas, para mapabuti ang pagkakabalanse ng kalakalan.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |