Ipinahayag ngayong araw ni Fan Liqing, Tagapagsalita ng Tanggapan ng mga Suliranin ng Taiwan ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang Diaoyu Islands at mga pulo sa paligid nito ay katutubong teritoryo ng Tsina. Batay sa prinsipyo ng pangangalaga sa soberanya at teritoryo, ang pangangalaga sa karapatan at kapakanan sa pangingisda ng mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits sa naturang tradisyonal na lugar-pangisdaan ay komong responsibilidad ng Taiwan at mainland ng Tsina.
Ani Fan, nitong nakalipas na ilang taon, naging mithiin ng karamihan sa mga kababayang Taiwanese ang pagkatig sa mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang. Umaasa ang mga mamamayan ng magkabilang pampang, na ibayo pang uunlad ang relasyon ng kapuwa panig. Sa kasalukuyan, iniisip at tinatalakay ng maraming organo, personahe at iskolar ng magkabilang pampang ang mga paksang pulitikal sa pagitan ng mainland at Taiwan. Pragmatiko aniya ang ganitong aksyon, at makakabuti ito sa pagkakaroon ng mas maraming komong palagay at paglutas sa mga problema sa hinaharap.
Salin: Vera