Ipinahayag kamakailan sa Jakarta ni Gusti Agung Wesaka Puja, Puno ng Departamento ng Kooperasyong Pangkabuhayan ng ASEAN ng Ministring Panlabas ng Indonesia na, batay sa kasalukuyang katayuang pandaigdig at tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan ng Indonesia, may pag-asang maging puno ito ng itatatag na ASEAN Ecomonic Community (AEC) sa taong 2015.
Ayon sa naturang opisyal, kung ihahambing sa iba pang mga bansang ASEAN, may 5 espesyal na bentahe ang Indonesia: una, sustenable at mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan nito; ikalawa, mayroong itong mabilis na paglaki ng pamumuhunan; ikatlo, mabilis rin ang paglaki ng populasyon ng middile class nito; ikaapat, mainam ang pagkontrol sa utang nito; at ikalima, mayroong itong mayamang likas na yaman at enerhiya, at malaki ang pamilihang panloob.
Salin: Li Feng