"Mabunga ang katatapos na pagdalaw ni Punong Ministro Hun Sen sa Tsina, at nakahanda ang dalawang bansa na ibayo pang palalimin ang kanilang estratehikong partnership." Ito ang ipinahayag kahapon sa Phnom Penh ni Cham Prasidh, Ministrong Komersyal ng Cambodia, na kasama ni Hun Sen sa Boao Forum for Asia at pagdalaw sa Tsina.
Sinabi ni Cham Prasidh na sa bisperas ng ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Cambodia, ang naturang bisita ay may mahalagang katuturan sa pagpapalalim ng mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang paglalagda sa "Stratigic Partership Action Program ng Tsina at Cambodia", at pagbubuo ng may kinalamang organo para rito, ay makakatulong sa ibayo pang pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang bansa. Aniya pa, inulit din ni Hun Sen ang pagsuporta sa patakarang "Isang Tsina", pagbibigay-galang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at pangangalaga sa nukleong interes nito.