|
||||||||
|
||
Sinimulang idaos ngayong araw sa Shanghai, Tsina ang diyalogo ng mga opisyal ng tanggulang-bansa ng iba't ibang miyembro ng ASEAN Regional Forum (ARF).
Sa magkasamang pagtataguyod ng Tsina at Brunei, kalahok sa diyalogo ang halos 60 kinatawan mula sa 25 miyembro ng ARF na kinabibilangan ng sampung bansang ASEAN, Rusiya, Estados Unidos, Timog Korea, Hilagang Korea, Hapon at ASEAN Secretariat.
Sa ilalim ng temang "Ambag ng mga Kagawaran ng Tanggulang Bansa sa Target na Pangyugto ng ARF, tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa natamong bunga nila rito at mga dapat gawin sa hinaharap.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |