|
||||||||
|
||
Nagbabala kahapon ang International Monetary Fund (IMF) sa mga Bangko Sentral ng mga maunlad na bansa na maging alerto sa potensyal na panganib na pinansyal ng kanilang matagal nang isinasagawang maluwag na patakarang pansalapi laban sa krisis na pinansyal.
Nakasaad sa pinakahuling IMF Global Financial Stability Report (GFSR) na ang mga maunlad na bansa na gaya ng Estados Unidos at Hapon ay nagsasagawa ng super-luwag na patakarang pansalapi na tulad ng napakababang interest rates sapul noong 2008. Anito, kabilang sa mga potensyal na panganib na pinansyal ng nasabing patakaran ay ang panganib na pangkredito ng mga bangko, pagkaantala sa balance sheet repair, kahirapan sa muling pagsisimula ng pamilihan ng interbank funding at iba pa.
Inilabas ang nasabing ulat ng IMF bago idaos ang pulong nila ng World Bank sa April 19 sa Washington D.C. kung saan ang mga kinatawan mula sa mga bangko sentral at ministri ng pananalapi ang inaasahang magtatalakayan hinggil sa pandaigdig na isyung pangkabuhayan at mga katugong patakaran.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |