|
||||||||
|
||
Noong ika-5 ng buwang ito, nakipagtagpo dito sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Haji Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei Darussalam. Ipinasiya ng mga lider ng dalawang bansa na pataasin ang relasyong Sino-Bruneian sa estratehikong relasyong pangkooperasyon, bagay na mabisang makakapagpasulong sa mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa, at gaganap ng namumunong papel sa rehiyong ito. Ang Brunei ay tagapangulong bansa ng ASEAN sa kasalukuyang taon. Maganda ang reputasyon nito sa mga bansang ASEAN, at pinahahalagahan ng bansang ito ang pangmalayuang kaunlaran at komong ekspektasyon ng ASEAN.
Sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Brunei noong 1991, madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas ng kapuwa panig, at mabungang-mabunga ang kanilang kooperasyong pangkabuhayan. Noong 1991, 13 milyong dolyares lamang ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan, pero noong nagdaang taon, ito ay tumaas sa 1.6 bilyong dolyares.
Kapasin-pansin din ang natamong progreso ng mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Brunei. Pahigpit nang pahigpit ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, kultura at tauhan. Noong 2012, mahigit 40 libong person-time na Tsino ang naglakbay sa Brunei, at ang Tsina ay naging ika-2 pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista ng Brunei. Bukod dito, walang humpay na lumalalim ang kooperasyon ng kapuwa panig sa larangan ng pamumuhunan.
Ipinalalagay ng ilang medyang kanluranin na ang isyu ng South China Sea ay nagsisilbing "isang mahirap na problema" sa panahon ng panunungkulan ng Brunei bilang tagapangulong bansa ng ASEAN. Ipinagmamalaki ng gayong pananalita ang kahalagahan ng isyung ito sa relasyon ng Tsina at ASEAN. Sa katunayan, palagiang napapanatili ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pag-uugnayan at diyalogo sa isyu ng South China Sea.
Ang pangangalaga sa kayapaan at katatagan ng South China Sea ay hindi lamang komong mithiin ng Tsina at ASEAN, kundi umaangkop din sa kapakanan ng iba't ibang bansa sa paligid ng karagatang ito na kinabibilangan ng Brunei. Hinding hindi magbabago ang mithiing ito dahil sa panunungkulan ng isang bansa bilang tagapangulong bansa ng ASEAN.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |