Nag-usap kahapon sa Beijing sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang counterpart na Pranses na si Laurent Fabius.
Kapwa ipinahayag nilang dapat panatilihin ang pangmatagalang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Pranses. Sinang-ayunan din nilang samantalahin ang pagkakataon ng pagdalaw ni Pangulong Francois Hollande ng Pransya sa Tsina, para mapalalim ang pulitikal at estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa, at mapasulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Salin: Liu Kai