Sa panahon ng kapistahan ng Songkran, bagong taon ng Myanmar, nanawagan si Pangulong Thein Sein ng bansang ito, na pangalagaan ang mapayapang pakikipamuhayan sa pagitan ng mga tagasunod ng iba't ibang relihiyon.
Ipinahayag pa ng pangulo na umaasa siyang malilimutan ng mga mamamayan ang mga bagay-bagay na humantong sa kalungkutan at kaligaligan, at magkasamang itatatag ang maharmonyang lupang tinubuan ng iba't ibang lahi at relihiyon. Sinabi niyang dapat magsikap ang lahat ng mga mamamayan para magkasamang pasulungin ang repormang pulitikal ng bansa.
Samantala, binalaan din niya ang mga mamamayan na mag-ingat sa mga kalabang puwersa sa loob at labas ng bansa, na nagtatangkang lumikha ng bagong sagupaan sa pamamagitan ng mga di-malutas na salungatan.