|
||||||||
|
||
Sa ilalim ng pangmatagalang maigting na kalagayan sa Korean Peninsula, ang naturang pagdalaw ni Kerry ay may mahalagang nilalaman ng pakikipag-ugnay sa Hapon at T.Korea para kumpirmahin ang plano ng pagharap sa kalagayang ito, inulit ng Amerika ang pangakong pangangalagaan nito ang katiwasayan ng Hapon at T.Korea; at bukod dito, hiniling din nito sa Hapon at T.Korea na palakasin ang kooperasyon nila at patatagin ang estratehikong pakikipagkooerasyon sa Amerika.
Pero, ipinalalagay rin ng ilang tagapag-analisa na ang pinakamahalagang nilalaman ng pagdalaw ni Kerry sa Silangang Asya ay pagpapaliwanag ng mithiin ng E.U. na paunlarin ang relasyon sa Tsina, at lalo pang pabutihin ang estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa para magkasamang harapin ang mga hamon.
Sa kasalukuyan, sinimulan na ni Pangulong Obama ang kanyang bagong termino, at samantalang papatapos naman ang pagbabago sa liderato ng Tsina, kaya ang relasyon ng Tsina at E.U. ay nasa masusing panahong pangkasaysayan. Bilang isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig, ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano sa hinaharap ay may kinalaman sa kinabukasan ng dalawang bansa at mga mamamayan nila.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Kerry, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na umaasa siyang pakikitunguhan ng dalawang panig ang relasyon ng dalawang bansa sa estratehiko at pangmalayuang pananaw; pasusulungin ang diyalogo at kooperasyon sa positibong pakikitungo, maayos na hahawakan ang pagkakaiba, batay sa diwa ng paggalang sa isa't isa; at walang humpay na payayamanin ang estratehikong nilalaman ng partnership ng dalawang bansa, para magkasamang tumahak sa landas ng bagong relasyon ng malalaking bansa.
Sa panahon ng pagdalaw sa Tsina, ipinahayag ni Kerry na titingnan ng E.U. ang relasyong Sino-Amerikano sa mas matagalang pananaw. Ang kooperasyon ng Tsina at E.U. aniya ay hindi lamang makakabuti sa kapuwa panig, kundi magdudulot din ng mahalagang epekto sa buong daigdig.
Sa kasalukuyan, tiyak na umiiral ang pagkakaiba sa pagitan ng Tsina at E.U., pero mayroong malaking komong kapakanan ang dalawang panig. Ang mainam na kooperasyon ng Tsina at E.U. ay hindi lamang makakabuti sa dalawang bansa at mga mamamayang nila, kundi makakabuti rin sa kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito at buong daigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |