|
||||||||
|
||
Inilabas ngayong araw ng Pamahalaang Tsino ang White Paper na pinamagatang "Dibersipikadong Employment ng Sandatahang Lakas ng Tsina." Sa kauna-unahang pagkatataon, isinapubliko nito ang bilang ng hukbong panlupa, hukbong pandagat at hukbong panghimpapawid ng bansa.
Ayon sa ikawalong white paper sa pambansang depensa ng Tsina sapul noong 1998, ang mobile operational units ng hukbong panlupa ng People's Liberation Army (PLA) ay binubuo ng 18 combined corps na nasa ilalim ng pitong military area commands: Shenyang (16th, 39th at 40th Combined Corps), Beijing (27th, 38th at 65th Combined Corps), Lanzhou (21st at 47th Combined Corps), Jinan (20th, 26th at 54th Combined Corps), Nanjing (1st, 12th at 31st Combined Corps), Guangzhou (41st at 42nd Combined Corps) at Chengdu (13th at 14th Combined Corps); at karagdagang nagsasariling combined operational divisions (brigades ). Umaabot sa 850,000 ang bilang ng mga sundalo at opisyal ng hukbong panlupa.
Ang hukbong pandagat naman ng Tsina na may 235,000 sundalo at opisyal ay binubuo ng Beihai Fleet, Donghai Fleet at Nanhai Fleet. Samantala, ang hukbong panghimpapawid na may 398,000 sundalo at opisyal ay binubuo ng pitong Military Area Commands ng Shenyang, Beijing, Lanzhou, Jinan, Nanjing, Guangzhou at Chengdu .
Nakasaad din sa White Paper ang misyon ng Tsina sa pangangalaga sa kapakanang pandagat nito at kapakanan nito sa ibayong dagat.
Inulit din ng White Paper ang nagsasariling mapayaang patakarang panlabas at depensibong patakarang pantanggulang-bansa ng Tsina at ang pagtutol nito sa hegemonya. Nananawagan anito ang Tsina para sa bagong pananaw na panseguridad na nagtatampok sa pagtitiwalaan, mutuwal na kapakinabangan, pagkakapantay-pantay at kooperasyon.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |