|
||||||||
|
||
"Walang nuclear leakage ang Bushehr nuclear plant na apektado ng naganap na lindol kamakailan". Ito ang ipinahayag kahapon ni Mohammad Ahmadian, Pangalawang Puno ng Iran Atomic Energy Organization.
Sinabi niya na moderno ang disenyo ng naturang planta, at maaari nitong matagalan ang magnitude 8 na lindol.
Nauna rito, sa isang pahayag na ipinalabas kamakailan ng Gulf Cooperation Council (GCC), hiniling nito sa International Atomic Energy Agency(IAEA) na magpadala ng mga dalubhasa sa Iran, bilang tugon sa umano'y leakage mula sa nuclear power plant ng Bushehr, na matatagpuan 10 kilometro mula sa episentro ng isang magnitude 6.1 na lindol na naganap noong ika-9 ng buwang ito.
Ayon sa ulat, sa naturang lindol, 37 katao ang nasawi, at mahigit 850 iba pa ang nasugatan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |