|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Chen na, sa kauna-unahang pagkakataon, opisyal na isinapubliko sa naturang White Paper ang bilang ng mga sundalo't opisyal at designasyon ng 18 combined corps ng mobile operational units ng hukbong panlupa ng People's Liberation Army (PLA), at bilang ng hukbong pandagat at hukbong panghimpapawid ng bansa. Ito ay naglalayong dagdagan ang transparency sa militar, at ito ay nagpapakita rin ng bukas, kooperatibo, pragmatiko at mapagkakatiwalaang pakikitungo ng hukbong Tsino.
Sa naturang White Paper, inilahad ang isang prinsipyo: Hindi sasalakay ang Tsina, hangga't hindi ito sinasalakay; kapag ang Tsina ay sinalakay, tiyak itong magsasagawa ng ganting-salakay. Ipinahayag ni Chen na ito ay isang prinsipyo ng self-defense. Binigyan-diin din ito sa kauna-unahang Pandepansang White Paper na ipinalabas ng Tsina noong 1998.
Tinukoy ni Chen na ang pundamental na tungkulin ng sandatahang lakas ng Tsina ay mga nukleong kapakanan ng bansa, na tulad ng seguridad ng soberanya, rehimen at pag-unlad ng bansa. Nananangan ang Tsina na malulutas ang alitang pandaigdig sa pamamagitan ng mapayapang paraan, at tinututulan nito ang paggamit ng sandatahang lakas. Pero, sa pundamental na isyung may kinalaman sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa, hindi yuyukod ang Tsina.
Sa naturang White Paper, iniharap sa kauna-unahang pagkakataon ang nilalaman ng Pangangalaga sa Kapakanan sa ibayong dagat. Hinggil dito, ipinahayag ni Chen na ang pagpapaunlad ng kapakanan ay mahalagang bahagi ng pambansang patakaran ng Tsina. Sinabi niyang kasabay ng pagiging mas mahigpit ng relasyon ng pag-unlad ng Tsina at pag-unlad ng daigdig, dapat pangalagaan ng Tsina ang kapakanan ng bansa sa ibayong dagat sa mas malaking saklaw.
Binigyan-diin ni Chen na ang mga aksyon ng PLA sa ibayong dagat ay hindi lamang para mapangalagaan ang kapakanan ng bansa, kundi rin para isabalikat ang obligasyong pandaigdig. Kasabay ng pag-unlad ng Tsina, sa hinaharap, isasabalikat ng PLA ang mas maraming obligasyon sa larangan ng pangangalaga sa kapakanan sa ibayong dagat. Ito ay magbibigay din ng mas malaking ambag para sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig at pagpapasulong ng magkasamang pag-unlad.
Bukod dito, sa kauna-unahang pagkakataon, ang "Pangangalaga sa Karapatang Pandagat ng Bansa" ay naging sariling nilalaman sa naturang White Paper. Ipinahayag ni Chen na ang dagat ay mahalagang yaman para sa sustenableng pag-unlad ng Tsina, ang paggamit at pangangalaga sa dagat ay naging estratehiya ng bansa, at ang buong tatag na pangangalaga sa karapatang pandagat ng bansa ay mahalagang tungkulin ng PLA. Ipinahayag ni Chen na ang Tsina ay magbibigay ng mas malaking ambag para sa target ng pagsasakatuparan ng may harmoniyang dagat.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |