|
||||||||
|
||
Ang pagsabog na naganap sa Boston noong ika-15 ng buwang ito ay ikinamatay ng 4 na tao at ikinasugat ng mahigit 170, at ang 17 tao sa mga ito ay nasa kritikal na kalagayan. Bukod dito, ang pagsabog ay nag-iwan ng malaking kilabot sa mga mamamayan ng Boston.
Nang kapanayamin ng CRI, ipinahayag ni Cathie Martin, Propesor mula sa University of Boston na sindak na sindak siya sa pagsabog. Ipinahayag niyang hindi pa naranasan ng mga mamamayan ng Boston ang insidenteng tulad nito kaya sindak na sindak ang lahat ng tao.
Kahapon ng umaga, bumigkas sa White House si Pangulong Barack Obama ng E.U. ng talumpati kung saan opisyal na tiniyak niyang ang insidenteng ito ay "act of terrorism". Sinabi ni Obama na ang Pagsabog sa Boston ay isang " heinous and cowardly act.".
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang imbestigasyon sa insidenteng ito sa pamumuno ng FBI kasama ang iba't ibang may kinalamang departemento ng Pamahalaan. Sinabi ni Rick Deslauriers, isang special agent ng FBI na namamahalang sa kasong ito, na sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang anumang bagong banta. Tumanggi ang FBI na magsiwalat ng iba pang impormasyon. Ipinahayag nitong patuloy na isasagawa ang imbestigasyon ayon sa mga ebidensiya at clues. Pero, binigyan-diin ni Rick Deslauriers na isinasagawa nila ang imbestigasyon sa saklaw ng buong daigdig at tiyak na madadakip at mapaparusahan ang kriminal.
Pagkatapos ng pagkaganap ng pagsabog, buong tapang na hinarap ng mga mamamayan ng Boston ang pangyayari. Ipinahayag ni Thomas Menino, Alkalde ng Boston, na ang Boston ay isang malakas na lunsod, tiyak na magsisikap ang lahat ng mamamayan ng Boston para magkakasamang mapanaigan ang kahirapan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |