Ayon sa ulat kahapon ng Korean Central News Agency (KCNA), kaugnay ng mungkahi ng Estados Unidos hinggil sa pakikipagdiyalogo sa Hilagang Korea, sinabi nang araw ding iyon ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na hindi tutol ang kanyang bansa sa pakikipagdiyalogo sa Amerika, pero hindi dapat maging paunang kondisyon ng ganitong diyalogo ang walang nuklear na Korean Peninsula.
Ayon sa naturang tagapagsalita, iminungkahi kamakailan ng Amerika na makipagdiyalogo sa Hilagang Korea, pero humiling din ito sa Hilagang Korea na ipakita muna ang walang-nuklear na mithiin. Ang aksyong ito aniya ay nagbubulag-bulagan sa linya ng partido at batas ng kanyang bansa. Dagdag pa niya, ang diyalogo ay dapat dumepende sa simulain ng paggalang sa soberanya at pagkakapantay-pantay. Ito aniya ay palagiang paninindigan ng Hilagang Korea.
Salin: Vera