Idinaos kahapon ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan at Pagpaplano ng Pamilya ng Tsina ang news briefing, para sagutin ang tanong ng mga mamamahayag na may kinalaman sa epidemiya ng pagkahawa ng tao sa H7N9 bird flu. Ipinahayag ng dalubhasa na sa kasalukuyan, ang paraan ng pagkalat ng ganitong virus ay mula poltri sa tao lamang, kaya hindi babaguhin ng Tsina ang umiiral na hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiyang ito.
Ayon sa ulat ng ilang media kahapon, ipinadala ng Centre for Health Protection ng Hong Kong ang liham sa lahat ng mga doktor sa Hong Kong, kung saan ipinalalagay nitong posibleng maganap ang limited human-to-human transmission ng H7N9 virus. Kaugnay nito, ipinahayag ni Feng Zijian, Direktor ng Chinese Center for Disease Control and Prevention, na ang konklusyong ito ay ginawa batay sa family-clustered H7N9 cases sa Shanghai. Pero ang ganitong uri ba ng kaso ay bunga ng pagkahawa sa isa't isa o ng pamumuhay sa komong kapaligiran? Iniimbestigahan ng mga dalubhasa ang tunay na sanhi nito.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng mga departamento ng kalusugan at pagkontrol sa epidemiya ng Beijing ang aktibong pagsusuri sa kaso ng H7N9 bird flu, at natuklasan ang isang apat na taong gulang na H7N9 flu virus carrier, pero wala pa siyang sintomas ng trangkaso. Sa iba pang purok ng Tsina na may kaso ng H7N9 bird flu, hindi pa sinimulan ang aktibong na pagsusuri. Hinggil dito, sinabi ni Feng Zijian na karapat-dapat na himukin ang pagsasagawa ng ganitong hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, pero hindi kailangang baguhin ang umiiral na estratehiya sa pagpigil at pagkontrol sa H7N9 bird flu sa buong bansa.