|
||||||||
|
||
Tinukoy ng ilang tagapag-analisa na ayon sa punksyon ng Littoral Combat Ship, ang naturang pagdedeploy ng E.U. ay naglalayon pangunahin na na kontrolin ang estratehikong tsanel ng Strait of Malacca. Pero, ipinalalagay ng ibang tagapag-analisa na para sa Singapore at ilang bansang ASEAN, kasabay ng pagpapanatili nila ng mahigpit na relasyong militar sa E.U., mayroon din silang mahigpit na relasyong pangkabuhayan sa Tsina. Kaya, umaasa ang karamihang bansa sa Timog Silangang Aisya na makakakita sila ng isang "balanseng punto" sa pagitan ng Tsina at E.U., sa halip na kumiling sa isang panig.
Noong taong 2011, nagplano ang E.U. na ideploy ang Littoral Combat Ship sa Singapore. Noong Hunyo ng nakaraang taon, opisyal na sinang-ayunan ng Singapore ang pagdedeploy sa bansa ng hukbong pandagat ng E.U. ng 4 na Littoral Combat Ship, gayunman, binigyan-diin ng pamahalaan ng Singapore na ang pagdating ng Littoral Combat Ship ay isang pansamantalang arrangement lang.
Hinggil dito, nang kapanayamin ng mamamahayag, ipinahayag ni Jing Huang, Puno ng Center on Asia and Globalisation ng LKY School of Public Policy, National University of Singapore, na ang pagdedeploy ng Littoral Combat Ship ay mahalagang bahagi ng estratehiyang militar ng E.U. sa rehiyong Asiya-Pasipiko. Ang layunin nito ay palakasin ang kakayahan ng E.U. para humarap sa local wars. Pero, ipinalalagay ni Jing Huang na ang naturang pagdedeploy ay hindi nakatuon sa Tsina. Sinabi niyang ang pagdedeploy ng E.U. ng Littoral Combat Ship sa Singapore ay may dalawang layunin: una, igarantiya ang kaligtasan at katatagan ng rehiyong ito, ikalawa, palakasin ang pakikipag-ugnayan sa Singapore, dahil ang Strait of Malacca ay nasa napakahalagang estratehikong posisiyon sa buong daigdig.
Bukod dito, ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa na ang patakarang panlabas ng Singapore ay pagtatatag ng balanseng relasyon sa pagitan ng mga kapitbansa nito at mga malalaking bansa sa buong daigdig, at ang layunin nito ay depende sa network ng relasyong pangkabuhayan at militar ng Singapore, kaya, sa kasalukuyan, ang Singapore ay bansa na mayroong pinakamaraming laang-guguling militar sa buong rehiyong Timog Silangang Asiya.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |