|
||||||||
|
||
Bilang pangunahing puwersa ng gawaing panaklolo sa harap ng malubhang kalamidad, ipinadala ng Tsina ang espesyal na hukbo sa nilindol na purok para sa pagbibigay-saklolo. Sa pangunguna ni Xie Wuzhong, Direktor ng Departamentong Pulitikal ng Sichuan Province Military Command, umuusad ang gawaing panaklolo, sa lugar ng episentro ng lindol. Isinalaysay niyang hanggang kahapon ng umaga, dumating sa mga nilindol na purok ang mahigit 8000 sundalo na ipinadala ng kanyang command, at agarang isinagawa nila ang gawaing panaklolo. Ipinahayag ni Xie na sa kasalukuyan, maalwan ang iba't ibang gawain.
Pagkaraang maganap ang lindol, agarang sinimulan ng iba't ibang kinauukulang departamento ng Tsina ang Emergency Response. Sinimulan ng Kawanihan ng Lindol ng Tsina ang 1st degree Earthquake Response, at agarang ini-oraganisa ang mga kinauukulang dalubhasa para talakayin ang kalagayan ng lindol at itakda ang plano ng pagharap dito. Ang grupong panaklolo ay agad na pumunta rin sa mga nilindol na purok.
Pagkaraang maganap ang lindol, sinimulan din ng Red Cross Society ng Tsina ang 1st-degree Emergency Response, at agarang ipinadala ang maraming tauhan sa nilindol na purok upang maghatid ng maraming materyal na panaklolo.
Ang mga bahay-kalakal ay nagbibigay-saklolo rin sa mga nilindol na purok. Bukod dito, ang mga kilalang personahe mula sa Show Biz ng Tsina ay aktibong nagbibigay-tulong sa relief work sa pamamagitan ng iba't ibang paraang tulad ng pag-aabuloy.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |