|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng Kyodo News Agency ng Hapon, nagbigay-galang kagabi si Taro Aso, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pananalapi ng Hapon, sa Yasukuni Shrine kung saan idinadambana ang mga World War II class-A criminal.
Nauna rito, sa ngalan ng "Punong Ministro ng Gabinete," naghandog si Shinzo Abe ng oblasyong "pine tree" sa Yasukuni Shrine. Magkasunod na nagbigay-galang din sa lugar na ito ang dalawang ministro ng gabinete ni Abe.
Ayon pa sa ulat, mula ika-21 hanggang ika-23 ng buwang ito, idaraos ng Yasukuni Shrine ang regular na pagdadambana sa tagsibol. Binabalak din ng mga transpartidong kongresista ng Hapon na magkakasamang magbigay-galang bukas sa Yasukuni Shrine.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |