Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lindol sa Lushan: patuloy na lumalaki ang saklaw ng search and rescue work

(GMT+08:00) 2013-04-23 17:41:34       CRI

Kahapon, nakapasok ang grupong panaklolo sa 18 nayon na malubhang naapektuhan ng lindol sa Lushan. Patuloy na lumalaki ang saklaw ng search and rescue work, at ang pokus ng susunod na gawain ay pagtugon sa pangangailangan ng mga nabiktima at pagpigil sa pagkalat ng epidemiya.

Ang Baoxing ay nayong malubhang nasalanta ng lindol. Matapos ang lindol, naputol ang telekomunikasyon at ang mga kalsada ay di madaanan sa Baoxing. Sa kasalukuyan, nakapasok na ang mga rescuer sa Baoxing at nagsasagawa ng gawaing panaklolo. Nang kapanayamin ng CRI kahapon sa Baoxing, isinalaysay ni Wei Handong, opisyal ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina na paputol-putol pa rin ang telekomunikasyon at di pa lubos na bukas ang mga daan at apektado nito ang gawaing panaklolo.

Bukod dito, isinalaysay kahapon ni Ma Jun, Puno ng Baoxing, na unti-unti ng nanununmbalik ang telekomunikasyon sa karamihan ng mga lugar, pero, hindi pa lubos na naibabalik ang telekomunikasyon sa kabuuan ng Baoxing. Isinalaysay ni Ma na ang pokus ng susunod na gawain ay maayos na tulungan ang mga nabiktimang mamamayan, igarantiya ang walang sagabal na daloy ng trapiko at pagpigil sa pagganap ng epidemiya.

Sa ilalim ng patnubay ng Pambansang Kawanihan ng Tsina sa Kalusugan at Pagpaplano sa Pamiliya, maayos na isinasagawa ang gawain para pigilan ang pagkakaroon ng epidemiya sa mga nilindol na lugar. Pagkaraan ng lindol, agarang in-organisa ng Chinese Center for Disease Control and Prevention (CCDCP) ang isang medikal na working group, at kamakalawa, sinimulan na ito ang gawain sa mga lugar na nilindol. Ipinalalagay ni Wang Huaqing, Puno ng naturang working group at opisyal ng CCDCP na sa kasalukuyan, maalwan ang progreso ng gawain ng pagpigil sa epidemiya sa mga nilindol na purok, pero, hindi maaaring agarang maibabalik ang suplay ng tubig at koryente, kaya't ito ay makaka-epekto sa kalusugan ng mga mamamayan. Ipinalalagay ni Wang na sa kasalukuyan, ang pinakamalaking problema sa mga nilindol na purok ay ang kaligtasan ng tubig-inumin.

Ayon pa sa ulat, sa kasalukuyan, itinatag na ang ilampung evacuation centers para sa mga apektadong mamamayan sa nayong Lushan at Baoxing, para pigilin ang secondary diseaster. Kasabay nito,ibinabahagi ang mahigit 100 tonelada ng gamit-panaklolo na tulad ng tubig, pagkain, gamot at iba pa.

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>