Nakipag-usap kahapon sa Beijing si Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina kay Martin Dempsey, Chairman ng Joint Chiefs of Staff ng Amerika.
Sa pag-uusap, tinukoy ni Chang na bilang mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Amerikano, positibo ang Tsina sa pagpapasulong ng pagtutulungang militar ng dalawang bansa, at nakahanda itong magsikap, kasama ng Amerika, para ibayo pang mapasulong ang relasyong militar na may pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.
Sinabi naman ni Dempsey na nakahanda ang kanyang bansa na mapasulong pa ang umiiral na pagtutulungang militar ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at estratehikong diyalogo nito. Nagbigay-galang din siya sa mga sundalong Tsino na nagsasagawa ngayon ng gawaing-panaklolo sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa lalawigang Sichuan,Tsina.