|
||||||||
|
||
Hanggang kahapon, natapos na ang 72-hour "golden rescue time" para sa nilindol na county, pero patuloy pa rin ang rescue work, at hindi inaalis ang anumang pag-asa na mailigtas ang mga nabiktimang mamamayan. Ang mga opisyal at sundalo ng Chendu Military Region ay pumasok sa bawat pamiliya ng iba't ibang nilindol na purok para alamin ang pangangailangan ng mga biktima at tulungan silang mapanaigan ang kahirapan.
Sa kasalukuyan, ang kakulangan sa materyal ay siyang pangunahing problema na kinakaharap ng mga nilindol na lugar. Para malutas ang isyung ito, kahapon, agarang inihatid ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ang 30 libong tolda sa mga nasalantang lugar para mailagay sa ayos ang pamumuhay ng mga nabiktimang mamamayan. Bukod dito, kamakalawa, naghulog ang hukbong panghimpapawid ng Tsina ng mga materyal na panaklolo sa mga nilindol na purok.
Sa ilang lugar, grabeng nasalanta ng lindol ang mga pasilidad ng koryente at telekomunikasyon. Naputol ang linya ng telekomunikasyon, kaya ang pagpapanumbalik ng serbisyo ng telekomunikasyon ay pangunahing sinusubaybayan ngayon ng iba't ibang panig. Kahapon, isinalaysay ni Xiao Chunquan, Tagapagsalita ng Ministry of Industry and Information Technology ng Tsina (MIIT) na sa harap ng isyung ito, una, agarang inihatid ng MIIT ang mga kinauukulang pasilidad sa mga nilindol na purok, at sa kasalukuyan, ang unang bulto ng mga material na panaklolo ay dumating na sa mga nilindol na purok. Ikalawa, pinabuti ang Gawain ng paggarantiya sa serbisyo ng telekomunikasyon sa mga nilindol na purok, at sa kasalukuyan, halos napanumbalik na ang 100% ng serbisyong ito sa mga nilindol na purok.
Bukod dito, ayon sa pinakahuling estadistika mula sa Pambansang Kawanihan ng Tsina sa Kalusugan at Pagpaplano sa Pamiliya, hanggang sa kasalukuyan, walang malaking epidemiya ng nakahahawang sakit at walang ibang mabigat at di-inaasahang pangyayaring pampubliko sa mga nilindol na purok.
Ayon pa sa ulat g Red Cross Society ng Tsina, hanggang sa kasalukuyan, ang mga pondo at materyal na iniabuloy ng iba't ibang sirkulo ng lipunan ay umabot na sa mahigit 120 milyong yuan RMB.
Ayon sa pag-analisa ng mga may kinalamang dalubhasa, sa susunod na hakbang, ang tampok na kinakailangang susubaybayan ay polusyon sa pamumuhay ng mga nabiktimang mamamayan, counseling at iba pa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |